Skip to main content
  Sa mundo ng pagbabago at makabagong teknolohiya. Atin nang nakakalimutan ang ating nakaraan, ang ating pinanggalingan. Nakakalungkot isipin na kahitang ating pambansang bayani ay tila bang unit-unti na nakakalimutan at hindi na nabibigyang halaga. Isa na dito si Rizal, ang ating pambansang bayani. Marami sa atin kilala si Rizal bilang ang tao sa piso. Karamihan sa kabataan ngayon  tila ba'y nakalimutan na ang kanyang nai-ambag sa pagkamit ng kalayaan na tinatamasa natin ngayon. Atin muling balikan at alamin kung sino ang tao sa piso.

   Sino nga ba si Jose Rizal? Ano nga ba ang kahalagahan nya sa bansa? At bakit sya ang itinanghal na pambansang bayani ng bansa? Aking itatampok sa maikling bersyon ngunit puno ng kaalaman.

Ang Batas Rizal at Kursong Rizal
Ramon Magsaysay
7th  President of the Philippines
30 December 1953 – 17 March 1957

    Panahon ng pangulong Ramon Magsaysay nang malagdaan ang Batas Republika Blg. 1425. At ang noo'y naman na senador na si Jose P. Laurel Sr. ang nagpanukala nito sa senado. Ipinagtibay ito noong Hunyo 12, 1956 at naipatupad sa Pambansang Kapulungan ng Edukasyon o ngayo'y DepEd noong Agosto 16, 1956.

   Nilalayon ng batas na isama sa kurikulum, pampubliko man o pribadong paaralan ang mga gawa at kaisipan ng ating pambansang bayani kabilang na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Ang Batas Republika Blg. 1425


Ang Pagpili ng Pambansang Bayani
  
William Howard Taft27th president of the United States
4 March 1909 – 4 March 1913
   Ipinadala nang Estados Unidos ang isang komisyon na pinamumunuan ni William Howard Taft o kilala rin sa katagang komisyong Taft noong 1900. Sa ilalim ng komisyon na ito, maraming inimungkahing pagbabago at paraan sa bansa na nakarating sa noo'y dating pangulo ng Estados Unidos na si Pangulong Mckinley at isa na dito ang mungkahing pagkakaroon ng ating sariling pambansang bayani. Noong mga panahong iyon, masasabing ang Pilipinas ay wala pang kinikilalang sariling bayani.

   Samantala, isang propesor naman ng UP o Unibersidad ng Pilipinas ang nagmungkahi ng kwalipikasyon  o pamantayan upang tanghalin ang isang tao na bayani ng bansa.

Narito ang iilan:
  • Isang Pilipino;
  • May masidhing pagmamahal sa bayan at;
  • Namayapa na
Ilan sa mga pinagpilian o naging kandidato upang maging pambansang bayani:


    Marcelo H. Del Pilar
    • Bulakenyo
    • Kilala sa katagang "dakilang propagandista"
    • Pen name: Plaridel

    Emilio D. Jacinto

    •     Parmasyutiko
    •     Heneral
    •     Manilenyo
        Graciano Lopez Jaena    
    •        Propagandista
    •     Ilokano
    •      Repormista

         
    Antonio Luna
    ·        Manilenyo
    ·        Parmasyutiko
    ·        Heneral
    Andres Bonifacio

    ·        Ama ng Katipunan
    ·        Ang supremo ng KKK o Katipunan
    Emilio Aguinaldo
    ·        Unang Pangulo ng Bansa
    ·        Noong mga panahong iyon, buhay pa si Emilio kung kaya’t hindi sya napili.

    At marami pang iba…


    Ilang Pumili Kay Rizal Upang Tanghaling Pambansang Bayani

    ·        William Howard Taft 
            27th president of USA (1909-1913)
            Gobernador Sibil ng Pilipinas  (1901-1904)
            Siya rin ang naguna sa pagpili kay Rizal upang maging pambansang bayani.

    ·        `William Morgan Shuster
             Custom collector ng US para sa Cuba noong 1899
            Nakilala sa kasaysayan bilang pinakamahusay na treasurer-general ng Iran noong 1911

    ·        Bernard Moses
            Commissioner ng Bureau of Education
            Nakilala sa kasaysayan bilang pioneer of the Latin-American scholarship.

    ·        Trinnidad Hermenegildo- Pardo de Tavera
            Isang creole ( mga pilipinong may dugong kastila na ipinanganak sa bansa) na sumusuporta sa pamahalaang Amerikano.
            Isa sa mga kumatawan sa bansa sa Second Philippine Commission

    ·        Cayetano L. Arellano
    -         Unang punong mahistrado ng korte suprema ng bansa

    ·        Jose Luzurriaga
    -         Kasama ni Trinidad Hermenegildo, sila nag kumatawan sa Second Philippine Commission.


             Sinasabing si Marcelo H. Del Pilar ang nanalo sa eleksyon ng pagiging pambansang bayani. Ngunit di kalaunan napagpasayahang muling tingnan ang mga nagingbuhay at kamatayan ng bawat isa sa mga kandidato. Sa pagsusuring na naganap, napagpasyahan nila na hirangin si Dr. Rizal bilang pambansang bayani  ng bansa. Nakumbinsi sila dahil sa kamangha-mangha na paraan ng kanyang ginawang pagpapkita ng pagmamahal sa bayan. Isang halimbawa ng kapayapaan dahil sa kanyang pakikipaglaban.
       
             Tunay ngang kamangha-mangha ang paraan na ginamit ni Rizal. Pluma at hindi dahas ang kanyang paraan upang gisingin ang damdamin ng taong bayan na nagresulta sa ibat-ibang himagsikan at pagaaklas at upang magkaisa muli ang mga Pilipino bilang iisang lahi. Ang kanyang kamatayan ay mas lalong nagpasidhi ng damdamin ng mga Pilipino na kailangang lumaban at huag magpapaapi sa mga dayuhan.

       Nawa ay may natutunan kayo sa parte ng series ng blog na ito tungkol sa buhay at kamatayan ng ating pambansang bayani na si Rizal.

       Magpopo-post ulit ako ng kasunod nito sa lalong medaling panahon. So stay tuned. Have a good day everyone !

       Kung may correction, suhestiyon o tanong kayo sa post na ito feel free na magkumento sa comment section.



    Comments

    Rizal

    152 years ago, June 19, 1861, isinilang ang ating Heroe Nacional na si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, Pepe Rizal, sa Calamba, Laguna, sa pagitan ng alas onse at alas dose ng gabi. Ang pamilya Rizal. Likhang-sining ni Benedicto Cabrera mula sa Indio Bravo. Kahit pampito na sa labing-isang magkakapatid mula kina Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonso, lubos na nahirapan ang ina sapagkat bagama’t maliit ang bata, napakalaki ng kanyang ulo.  Isa silang maykayang pamilyang negosyante at magsasaka na nangungupahan sa Hacienda ng mga prayleng Dominikano.  Makikita ang katayuan nila sa buhay sa itsura pa lamang ng kanilang bahay na bato at sa lokasyon na ito na katabi mismo ng plaza at ng simbahan. Ang orihinal na bahay ng mga Rizal sa Calamba, Laguna kung saan isinilang si Dr. Jose Rizal. Mula sa Vibal Foundation. Ang sinaunang drowing ni Johann Karuth sa Calamba. Makikita sa kanan ang bahay ni Rizal katabi ng simbahan. Mula sa Dambang Rizal sa Calamb...