Skip to main content
152 years ago, June 19, 1861, isinilang ang ating Heroe Nacional na si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, Pepe Rizal, sa Calamba, Laguna, sa pagitan ng alas onse at alas dose ng gabi.
Ang pamilya Rizal.  Likhang-sining ni Benedicto Cabrera mula sa Indio Bravo.
Ang pamilya Rizal. Likhang-sining ni Benedicto Cabrera mula sa Indio Bravo.
Kahit pampito na sa labing-isang magkakapatid mula kina Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonso, lubos na nahirapan ang ina sapagkat bagama’t maliit ang bata, napakalaki ng kanyang ulo.  Isa silang maykayang pamilyang negosyante at magsasaka na nangungupahan sa Hacienda ng mga prayleng Dominikano.  Makikita ang katayuan nila sa buhay sa itsura pa lamang ng kanilang bahay na bato at sa lokasyon na ito na katabi mismo ng plaza at ng simbahan.
Ang orihinal na bahay ng mga Rizal sa Calamba, Laguna kung saan isinilang si Dr. Jose Rizal.  Mula sa Vibal Foundation.
Ang orihinal na bahay ng mga Rizal sa Calamba, Laguna kung saan isinilang si Dr. Jose Rizal. Mula sa Vibal Foundation.
Ang sinaunang drowing ni Johann Karuth sa Calamba.  Makikita sa kanan ang bahay ni Rizal katabi ng simbahan.  Mula sa Dambang Rizal sa Calamba, Laguna.
Ang sinaunang drowing ni Johann Karuth sa Calamba. Makikita sa kanan ang bahay ni Rizal katabi ng simbahan. Mula sa Dambang Rizal sa Calamba, Laguna.
Mga Dominikanong Espanyol.  Mula sa Rizal:  Ang Buhay ng Isang Bayani.
Mga Dominikanong Espanyol. Mula sa Rizal: Ang Buhay ng Isang Bayani.
Tatlong araw matapos maisilang, sinabi ni Padre Rufino Collantes habang binibinyagan niya si Pepe, “Lolay, tandaan mo ito.  Alagaan mong mabuti ang batang ito, at siya’y magiging malaking tao.”  Wow!  Prophetic.  At iyon naman ang ginawa ng ina.
Kung saan bininyagan ni Padre Collantes si Rizal sa Simbahan ng Calamba.  Mula sa Vibal Foundation.
Kung saan bininyagan ni Padre Collantes si Rizal sa Simbahan ng Calamba. Mula sa Vibal Foundation.
Si Teodora Alonso bilang unang guro ni Rizal.  Mula sa "Ultimo Adios" (Last Farewell of a Foolish Moth) ng Heroes Square Heritage Corporation sa Intramuros.
Si Teodora Alonso bilang unang guro ni Rizal. Mula sa “Ultimo Adios” (Last Farewell of a Foolish Moth) ng Heroes Square Heritage Corporation sa Intramuros.
Siya ang naging pinakaunang guro ni Pepe.  Si Doña Lolay ay pambihira sa mga babaeng india noon.  Siya ay nakapag-aral sa Colegio de Sta. Rosa sa Intramuros at pinag-aral din niya maging ang mga anak niyang babae sa Maynila.  Kaya naman naituro niya kay Pepe ang pagmamahal sa karunungan, binabasahan siya sa tuwing gabi ng isa sa koleksyon nila ng mga isanlibong aklat.
Teodora Alonso de Rizal y Quintos.  Mula sa Vibal Foundation.
Teodora Alonso de Rizal y Quintos. Mula sa Vibal Foundation.
Colegio de Sta. Rosa noong panahon ng mga Espanyol.  Mula sa Vibal Foundation.
Colegio de Sta. Rosa noong panahon ng mga Espanyol. Mula sa Vibal Foundation.
Si Rizal habang tinuturuan ng kanyang ina.  Mula sa Dambanang Rizal a Calamba, Laguna.
Si Rizal habang tinuturuan ng kanyang ina. Mula sa Dambanang Rizal a Calamba, Laguna.
Ilan lamang sa mga aklat ng mga Rizal.  Mula kay Austin Craig.
Ilan lamang sa mga aklat ng mga Rizal. Mula kay Austin Craig.
Ang ama naman niyang si Don Kikoy ay pinatayuan siya ng mga maliliit na bahay kubo sa kanilang bakuran upang mapaglaruan niya at maging workshop niya sa kanyang paglilok at pagpinta.
Francisco Rizal Mercado.  Mula sa Vibal Foundation.
Francisco Rizal Mercado. Mula sa Vibal Foundation.
Ang replica ng kubo ni Pepe Rizal sa bakuran ng Dambanang Rizal.  Kuha ni Xiao Chua.
Ang replica ng kubo ni Pepe Rizal sa bakuran ng Dambanang Rizal. Kuha ni Xiao Chua.
Si Pepe bilang isang artist.  Mula sa Vibal Foundation.
Si Pepe bilang isang artist. Mula sa Vibal Foundation.
Wala ring Rizal na bayani kung wala ang paggabay sa kanya ng kanyang Kuya Paciano, isang makabayang kaibigan ng binitay na si Padre Burgos, na nagturo sa kanyang mahalin ang bayan, at ang kanyang mga kapatid na babae, ilan sa kanila magiging kasapi kasama ni Paciano ng Himagsikan.
Tanging larawan ni Paciano Rizal Mercado.  Panakaw na kuha.  Ayaw magpakuha ng lolo mo.  Mula sa Vibal Foundation.
Tanging larawan ni Paciano Rizal Mercado. Panakaw na kuha. Ayaw magpakuha ng lolo mo. Mula sa Vibal Foundation.
Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe.  Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.
Paciano Rizal habang ginagabayan ang batang Pepe. Likhang sining ni Benedicto Cabrera mula sa aklat na Indio Bravo.
Josefa Rizal, kasapi ng Katipunan.  Mula sa Vibal Foundation.
Josefa Rizal, kasapi ng Katipunan. Mula sa Vibal Foundation.
Trinidad Rizal, kasapi ng Katipunan.
Trinidad Rizal, kasapi ng Katipunan.
Kaya medyo spoiled marahil dahil nasa kanya lahat ng pansin dahil siya ay bunsong lalaki.  Ngunit sa aking palagay, may isang hindi gaanong nababanggit na dahilan kung bakit kahit na nagmula siya sa isang mayamang angkan, hindi nawala ang kanyang koneksyon sa bayan.  Kahit sa kanyang alaala ng kabataan, Memorias de un Estudiante de Manila, prominente ang role ng kanyang yaya na habang siya’y nasa azotea at naghahapunan sa ilalim ng buwan, habang nakikita ang Bundok Makiling, bigla na lamang siyang tatakutin ng aswang, o kukwentuhan ng mga  tungkol sa nuno.

Comments

Rizal

  Sa mundo ng pagbabago at makabagong teknolohiya. Atin nang nakakalimutan ang ating nakaraan, ang ating pinanggalingan. Nakakalungkot isipin na kahitang ating pambansang bayani ay tila bang unit-unti na nakakalimutan at hindi na nabibigyang halaga. Isa na dito si Rizal, ang ating pambansang bayani. Marami sa atin kilala si Rizal bilang ang tao sa piso. Karamihan sa kabataan ngayon  tila ba'y nakalimutan na ang kanyang nai-ambag sa pagkamit ng kalayaan na tinatamasa natin ngayon. Atin muling balikan at alamin kung sino ang tao sa piso.    Sino nga ba si Jose Rizal? Ano nga ba ang kahalagahan nya sa bansa? At bakit sya ang itinanghal na pambansang bayani ng bansa? Aking itatampok sa maikling bersyon ngunit puno ng kaalaman. Ang Batas Rizal at Kursong Rizal Ramon Magsaysay 7th  President of the Philippines 30 December 1953 – 17 March 1957      Panahon ng pangulong Ramon Magsaysay  nang malagdaan ang Batas Republika Bl...