152 years ago, June 19, 1861, isinilang ang ating Heroe Nacional na si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, Pepe Rizal, sa Calamba, Laguna, sa pagitan ng alas onse at alas dose ng gabi. Ang pamilya Rizal. Likhang-sining ni Benedicto Cabrera mula sa Indio Bravo. Kahit pampito na sa labing-isang magkakapatid mula kina Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonso, lubos na nahirapan ang ina sapagkat bagama’t maliit ang bata, napakalaki ng kanyang ulo. Isa silang maykayang pamilyang negosyante at magsasaka na nangungupahan sa Hacienda ng mga prayleng Dominikano. Makikita ang katayuan nila sa buhay sa itsura pa lamang ng kanilang bahay na bato at sa lokasyon na ito na katabi mismo ng plaza at ng simbahan. Ang orihinal na bahay ng mga Rizal sa Calamba, Laguna kung saan isinilang si Dr. Jose Rizal. Mula sa Vibal Foundation. Ang sinaunang drowing ni Johann Karuth sa Calamba. Makikita sa kanan ang bahay ni Rizal katabi ng simbahan. Mula sa Dambang Rizal sa Calamb...
Ating muling tunghayan ang buhay, kamatayan at sakripisyo ng ating pambansang bayani Jose Rizal. Ang kanyang naiambag upang makamtan natin ang kalayaan na kinakamtan natin ngayon.