Skip to main content

Posts

152 years ago, June 19, 1861, isinilang ang ating Heroe Nacional na si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, Pepe Rizal, sa Calamba, Laguna, sa pagitan ng alas onse at alas dose ng gabi. Ang pamilya Rizal. Likhang-sining ni Benedicto Cabrera mula sa Indio Bravo. Kahit pampito na sa labing-isang magkakapatid mula kina Francisco Rizal Mercado at Teodora Alonso, lubos na nahirapan ang ina sapagkat bagama’t maliit ang bata, napakalaki ng kanyang ulo.  Isa silang maykayang pamilyang negosyante at magsasaka na nangungupahan sa Hacienda ng mga prayleng Dominikano.  Makikita ang katayuan nila sa buhay sa itsura pa lamang ng kanilang bahay na bato at sa lokasyon na ito na katabi mismo ng plaza at ng simbahan. Ang orihinal na bahay ng mga Rizal sa Calamba, Laguna kung saan isinilang si Dr. Jose Rizal. Mula sa Vibal Foundation. Ang sinaunang drowing ni Johann Karuth sa Calamba. Makikita sa kanan ang bahay ni Rizal katabi ng simbahan. Mula sa Dambang Rizal sa Calamb...
Recent posts
  Sa mundo ng pagbabago at makabagong teknolohiya. Atin nang nakakalimutan ang ating nakaraan, ang ating pinanggalingan. Nakakalungkot isipin na kahitang ating pambansang bayani ay tila bang unit-unti na nakakalimutan at hindi na nabibigyang halaga. Isa na dito si Rizal, ang ating pambansang bayani. Marami sa atin kilala si Rizal bilang ang tao sa piso. Karamihan sa kabataan ngayon  tila ba'y nakalimutan na ang kanyang nai-ambag sa pagkamit ng kalayaan na tinatamasa natin ngayon. Atin muling balikan at alamin kung sino ang tao sa piso.    Sino nga ba si Jose Rizal? Ano nga ba ang kahalagahan nya sa bansa? At bakit sya ang itinanghal na pambansang bayani ng bansa? Aking itatampok sa maikling bersyon ngunit puno ng kaalaman. Ang Batas Rizal at Kursong Rizal Ramon Magsaysay 7th  President of the Philippines 30 December 1953 – 17 March 1957      Panahon ng pangulong Ramon Magsaysay  nang malagdaan ang Batas Republika Bl...